Sunday, April 23, 2006

I'm Officially DEAD

Yes.. Patay na po ako.. simula ngayong araw ay pinapatay ko na ang sarili ko sa lahat ng pag-asa.. pag-asa na maranasan ang PAGMAMAHAL.. SHET! Putang Ina! Ewan ko ba.. Talagang somethings are not meant to be.. i guess na pinanganak ako para masaktan ng TODO TODO! Now i'm starting to MOVE ON! Yes.. almost one year na rin akong umaasa.. umaasa na kahit konting pansin lang.. i guess wala na talaga..
Well napanuod ko kagabi yung SA PILING MO.. ung 1st week episodes.. Sabi nga ng ninong ni Jennifer (Judy Ann Santos):
"MINSAN KA LANG IIBIG, KAYA IPUSTA MO NA ANG LAHAT"
tama yang katagang yan.. ipinusta ko na ang lahat at kasawiang palad talo na ako.. kaya kailangan ko ng magising sa katotohanan.. gumising sa malagim na bangungot.. alam kong mahirap dahil di ko maiiwasan na makita siya...
kagabi nga sinabi ko yung mga hinanakit ko kay kuya rebs.. doon kami ng-usap sa may post office..buti nga nasasabi ko pa sa ibang tao.. ngayon alam ko nang huli na ang lahat.. dahil saan mang sulok eh alam kong talo ako.. nararamdaman kong alam na nung mahal ko ito.. umiiwas na siya.. yun ang nararamdaman ko.. kung yan makakapagpasaya sa iyo eh! Putang ina! Buwisit ka! Hindi mu alam ang hirap na pinagdadaanan ko dahil sa iyo.. Sana di nalang ako pumasok sa Mapua! Shit talaga.. kakalimutan na kita.. kakalimutan ko na talaga...

Saturday, April 08, 2006

Sinumpa

Ewan ko ba.. wala na yata akong karapatang sumaya.. Para bang isinumpa ako.. na kapag sandaling masaya ako.. doble ng sakit ang madarama ko..

Sabi nga nila, maraming namamatay sa maling akala..dapat matagal na akong namatay.. argggggghhhhh! Masaya ako kasi may nasasabihan ako ng mga gs2 kong sabihin.. Malungkot ako dahil gs2 kong sbhn sa isang tao ang linalaman ng saloobin ko.. para kasing gs2 mu cyang kausapin pero kpg nanjan na nakakailang.. Ewan ko ba.. tpos dumadagdag lang dahil may pagkakataon kung saan may iba na naming mga tauhan ang dumarating sa buhay na ito.. ngpapahirap na naman.. kahit di nila alam.. Cguro pwede nang gawing telenovela buhay ko.. isang dakilang MARTYR..

Gs2 ko tuloy sbhn.. kung wla tlga akong karapatang magmahal at mahalin.. sbhn nyo na.. para din na ko umasa.. Ang SAKIT eh! Gs2 ko nang malaman agad para maaga plang maihanda ko na sarili ko..

Gayahin ko nga si Rica.. Pinapagalitan ang sarili..

Jerome! Isa kang DUWAG!
Jerome! Isa kang TANGA!
Jerome! Isa kang BALIW!Jerome! Bakit ka pa nabuhay sa mundo?!

Tuesday, April 04, 2006

It's Only a Dream

Nanaginip ako.. Ewan ko ba ang weird ng panaginip ko.. hndi ko naman alam kung anu ang meaning noon.. Hindi ko pa naman natatandaan ang buong detalye ng panaginip ko..

Yung una kong panaginip.. yung nageexam ako kasama sna Sonny at Tiffany at iba ko pang mga kabatch at ngeexam ata kme at ang Prof namen dun ay si Sir Dodjie.. Grabe ewan ko ba.. tpos yung problem niya ay tungkol sa libro ni Koretsky.. isa yung buk sa Thermo.. Tpos pinapalayas ni Sir dodjie yung mga bagsak ata sa exam.. Ako ata sabit lang doon.. Weird tlga..

Yung pangalawa.. Ksma ko yung CRUSH/MAHAL ko.. As usual.. sumusunod-sunod lang ako sa kanya.. may ginagawa kame pero di ko alam kasi nga sumusunod lang ako sa kanya.. Hndi kmi nguusap.. Galing kmi ng bus tpos sumakay kme ng jeep.. kaso dun nadukutan ako ng 2 mama.. yung cellphone ko at wallet.. naiiyak na ako at nakatitig sa kanya.. pero di ako makapagsalita.. cguro sa totoo lang marami akong gs2ng sbhn sa knya pero di ko makayanan.. Tpos tinanung niya kung bababa na ako kasi nandun na ako sa amin.. sbi ko hndi.. tpos ayun.. Nagising nalang ako..

May outing ang mga kaBLOCK ko sa a13 bukas.. kaso la akong pera.. Gs2 ko p nmng sumama kaso hndi tlga maaari eh.. Babawi nalang ako cguro sa susunod.. Bukas mgpapakaBUSY na nga ako.. Magaayos na ako ng mga gamit,.. magliligpit at kung anu-ano pa.. At ipapplano kona ang mga gagawin ko tungkol sa thesis ko atbp..

Hindi na nagrereply si “CRUSH NG BAYAN”.. nainis na siguro sa akin.. ginugulo ko kasi.. Hndi na nagtetext.. sayang naman.. cguro masaya na siya sa buhay niya.. huwag na nating guluhin.. para akong bata kasi manggulo sa kanya.. Kulang sa Pansin kasi akong tao.. KSP! Ewan ko ba.. Sana makatext ko ule sya pra guluhin! hehe

Gusto ko nang pumasok.. pra mgaral ng mabuti.. pra Makita siya kahit saglit lang.. gs2 ko uling mgaral ng mabuti pra tumaas ule ang average ko.. Walang magawa sa bahay kundi mgfriendster.. kundi mgupdate ng BLOG.. napakaPRODUCTIVE ng Buhay ko noh?! Senseless!!

Nanuod ako ng “SA PILING MO” ni Judy Ann at Piolo.. Maganda siya ah.. hehe wala na siguro akong sense of criticism at dahil yun nalang ang aking hobby.. Maganda yung soap.. hehe ewan ko ba.. Paano ba yan malalaman na ni Adrian ang tunay na katauhan ni Katherine! Hehe

Monday, April 03, 2006

Temporarily HAPPY

Argggh! Lecheng Globe yan! Kung kailan mguunlimited ka.. saka naman ang KUPAD at BAGAL mgPROSESO! Yan tuloy! Naubos ang aking LOAD! Pero OK na rin.. Dahil MASAYA naman ako! HEHEHE kahit panandalian lang..

Meron kasing GLOBE NUMBER na binabagyo ang mga Inbox ng mga ChemSoc Members ng mga Quotes.. at nagpakilala pa siya bilang “CRUSH NG BAYAN” Grabe ilang araw ko ding pinagmiscolan at pinagkukulit kung sino ba talaga siya.. AYAW talaga magpakilala eh.. Ang Masama pa pati ako pinagbibintangan na ako un… sabi nga sa kasabihan:

“Kapg GUSTO, maraming PARAAN, Kapag AYAW, maraming DAHILAN”

Dahil na rin sa walang magawa.. Nakipgtextmate nalang ako sa kanya.. inASSUME ko nalang na katext ko ay ung mahal ko.. eh di parang nangarap na naman ako ng gising..Masaya naman katext si “CRUSH ng BAYAN” atska dahil na rin inakala ko nalang na siya yun.. pinagusapan namin ay tungkol sa paano maging MASAYA.. may pgkaMAKATA nga sya eh.. prang PROF! Lalo akong nging MASAYA…Anyways, dahil nagging masaya na naman ako.. anu na naman kayang kapalit na KALUNGKUTAN ang mangyayari o magaganap?! Haaaaaaayyyyy makatext ko kaya ule siya?!. Sana..Sino kaya yun?! Kilala nya ko pero di ko sya kilala... Medyo unfair kasi may nalalaman siya tungkol sa akin.. ako naman ay CLUELESS... hay pero may SUSPECT na ako...

Sunday, April 02, 2006

Sunshine

Arggh… Walang magawa talaga.. Ang ginawa ko lang ay manuod ng tv.. at makinig ng mga kanta.. Nakakagulat talaga dahil ang nanalo pala sa PBB Celebrity Edition ay si KEANNA REEVES!! Kamusta naman diba?! Pero napanuod ko yung interview niya sa The Buzz at nakakatawa siya in fairness..! Dapat sa kanya ay maisama sa sitcom or comedy film.. Gusto kong manuod ng mga Comedy.. parang gusto ko tuloy panoorin ung “THE LUCKY ONES” nila sandara atbp..

Ngayon at kahapon paulit-ulit ko nalang pinakikinggan yung 2 kanta.. yung FROM THE START ni Rachelle Ann Go at yung SUNSHINE ni Gabrielle.. ewan ko lang.. pero nagagandahan ako kahit yung mga message ng mga kanta ay pawing kasalungat sa kalagayan ko ngayon.. SAWI sa PAGIBIG! Hehe habang pinakikinggan ko yung SUNSHINE ni Gabrielle.. parang gumagaan ang aking pakiramdam.. Soothy kasi yung voice niya.. at yung kanta.. GRABE pwedeng LOVE SONG! Actually love song tlga un.. Parang di ko pinagdadaanan ang sakit kapag pinakikinggan ko yung song na iyon! Gusto ko yung mgaing theme song ng naming ng aking loved one.. hehe Yung magfefeel mo na special ka sa isang tao.. Ah basta.. nangangarap na naman ako ng GISING! Well, diyan naman ako magaleng eh.. naalala ko tuloy noong Xmas, ngsend siya ng Message na ginawa pa niya hehe yung pinaghirapan ba talaga.. Kaso 3 kameng sinendanan niya noon.. pero masaya pa rin ako.. hehe “LIFETIME FRIENDSHIP” nga ang bigay na gift sa akin.. MASAYA na ako doon! Hehe hindi na ako aasa pa ng higit pa dun.. Grabe mgwa-one week ko na siyang hindi nakikita.. malapit na naman ang pasukan eh (2 weeks pa).. Klasm8 ko nmn cya ng isang subject eh.. magpaprenew pa nga kame ni Guccie sa pagiging SA eh.. Mgpapapicture pa ako para sa Application Form.. Naku! 1st time kong mgkakapicture na bago ang buhok ko hehe..

Tuwing nakikita ko sarili ko sa salamin.. Lalo akong nagmukhang SIOPAO! Hehe.. grabe ang PISNGI ko! Ang taba! Hehehe.. Anu ba toh?! Nging DESCRIBE YOURSELF portion na ito.. Grabe gs2 ko cyang makachat sa YM! Kasi minsan na nga kme ngCHAT, ngpakaDRAMA pa ako! Umalis tuloy! Nanuod ng Favorite Show niya! Haaaaaayyyyyyy I’m HOPELESS na talaga! @_@ WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! Maguupload pa pala ako ng mga pics sa FRIENDSTER! Hehe.. Ang interesting nga ng FRIENDSTER Profile ko eh.. 1 view lang ang natatanggap.. Ako pa nga ata yung “1” na yun eh.. What is nakakaawa!? What is LONER!?!

Saturday, April 01, 2006

New LOOK


Its almost a decade bago ule ako mgpakalbo.. hehe naisip ko lang na manipis ang aking buhok at lage nalang ito napapansin..Actually cguro para makaMOVE ON ako kailangan kong magiba ng look.. Well medyo bakasyon naman kaya kung hindi maganda gupit ko eh tutubo naman ito...
Nalolook forward ko na naman na pagtawanan, mashock, at manibago ang mga taong makakakita sa akin.. Mapansinna kaya niya ako?! hehe.. ewan ko sa kanya... nagpapakabaliw na akong mgforward sa kanya ng message.. pero di naman cya ngrereply.. DI HUWAG! Maging Masaya ka sana !!!
April 1 pala ngayon... hehe hindi ko man lang nafeel ang APRIL FOOLS DAY.. eh isa pa naman akong malaking FOOL! as in TANGA!dapat icelebrate ko ang aking KATANGAHAN... Malapit na pala ang Birthday ko.. malapit na akong maging 20! ibig sabihin lang niyan na magiging THUNDER na ako! Hindi ko nga alam kung may makakaalam ba nang BIRTHDAY ko?! Malamang June 3 pa un eh.. Siguro mga 2 o 3 lang ang babati sa akin sa birthday ko.. haaaaaaay More worse, WALANG babati sa akin!Sana sa birthday ko makita ko na ang TUNAY NA PAGIBIG... O kung hindi man.. Isasara ko na talaga ang PUSO ko.. Basta matagal-tagal pa naman ang June 3... Bahala na..
Posted by Picasa