Sunday, April 02, 2006

Sunshine

Arggh… Walang magawa talaga.. Ang ginawa ko lang ay manuod ng tv.. at makinig ng mga kanta.. Nakakagulat talaga dahil ang nanalo pala sa PBB Celebrity Edition ay si KEANNA REEVES!! Kamusta naman diba?! Pero napanuod ko yung interview niya sa The Buzz at nakakatawa siya in fairness..! Dapat sa kanya ay maisama sa sitcom or comedy film.. Gusto kong manuod ng mga Comedy.. parang gusto ko tuloy panoorin ung “THE LUCKY ONES” nila sandara atbp..

Ngayon at kahapon paulit-ulit ko nalang pinakikinggan yung 2 kanta.. yung FROM THE START ni Rachelle Ann Go at yung SUNSHINE ni Gabrielle.. ewan ko lang.. pero nagagandahan ako kahit yung mga message ng mga kanta ay pawing kasalungat sa kalagayan ko ngayon.. SAWI sa PAGIBIG! Hehe habang pinakikinggan ko yung SUNSHINE ni Gabrielle.. parang gumagaan ang aking pakiramdam.. Soothy kasi yung voice niya.. at yung kanta.. GRABE pwedeng LOVE SONG! Actually love song tlga un.. Parang di ko pinagdadaanan ang sakit kapag pinakikinggan ko yung song na iyon! Gusto ko yung mgaing theme song ng naming ng aking loved one.. hehe Yung magfefeel mo na special ka sa isang tao.. Ah basta.. nangangarap na naman ako ng GISING! Well, diyan naman ako magaleng eh.. naalala ko tuloy noong Xmas, ngsend siya ng Message na ginawa pa niya hehe yung pinaghirapan ba talaga.. Kaso 3 kameng sinendanan niya noon.. pero masaya pa rin ako.. hehe “LIFETIME FRIENDSHIP” nga ang bigay na gift sa akin.. MASAYA na ako doon! Hehe hindi na ako aasa pa ng higit pa dun.. Grabe mgwa-one week ko na siyang hindi nakikita.. malapit na naman ang pasukan eh (2 weeks pa).. Klasm8 ko nmn cya ng isang subject eh.. magpaprenew pa nga kame ni Guccie sa pagiging SA eh.. Mgpapapicture pa ako para sa Application Form.. Naku! 1st time kong mgkakapicture na bago ang buhok ko hehe..

Tuwing nakikita ko sarili ko sa salamin.. Lalo akong nagmukhang SIOPAO! Hehe.. grabe ang PISNGI ko! Ang taba! Hehehe.. Anu ba toh?! Nging DESCRIBE YOURSELF portion na ito.. Grabe gs2 ko cyang makachat sa YM! Kasi minsan na nga kme ngCHAT, ngpakaDRAMA pa ako! Umalis tuloy! Nanuod ng Favorite Show niya! Haaaaaayyyyyyy I’m HOPELESS na talaga! @_@ WAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! Maguupload pa pala ako ng mga pics sa FRIENDSTER! Hehe.. Ang interesting nga ng FRIENDSTER Profile ko eh.. 1 view lang ang natatanggap.. Ako pa nga ata yung “1” na yun eh.. What is nakakaawa!? What is LONER!?!

No comments: