Saturday, June 17, 2006

Devastated

Devastated ako sa mga nangyayari sa akin.. Kamalasan sa lovelyf.. sa buhay.. pati nrn sa career.. Huwag na lang sana madamay yung academics ko.. bakit kasi ganun.. umaasa ako sa mga bagay na wala naman talagang pag-asa mangyari.. shit ka talaga jerome.. kasi naman..
isang taon na rin ang nakakalipas.. isang taon n pgtago ng aking nadarama.. ang masama pa nito.. hindi tlga pwede sabihin.. dapat nko makamove-on.. actually ngsisinungaling lang ako na nakamove-on nko..
Siguro nga napakaDUWAG ko talaga.. eh WALA NAMAN tlga kasi akong pag-asa, saan mang sulok ng pilipinas mu man tingnan.. isama mu pa ang mundo eh.. ngiging KOMPLIKADO pa ang buhay ko.. kung sinu-sinong mga CHARACTERS ang dumadagsa.. lalong sumisikip ang mundo..
SINO BA SIYA?
Hindi ko sasabihin.. hindi ko kaya gwin ang ngagawa ng iba na pwede isigaw sa mundo na mahal nila ang isang tao.. napakaDUWAG k tlga.. ISANG TAON ko na siyang pinagmamasdan sa kalayuan.. minsan ngpapakatanga.. minsan bigyan lng ng pansin naduduwag pa..
OK n skn ang mging kaibigan nya ko.. yung tipong sinasabihan ng mga bagay,, yung nararamdaman b niya.. masaya na ako doon eh.. kaso hndi ko alam bakit may prang FORCEFIELD na nagaganap.. yung tipong gs2 mu cyang kausapin.. naBUBULOL ka.. yung gs2 mu cyang pansinin... naTOTORPE ka at ngiging MASUNGIT k p.. pero kpg ibang tao na ang nadiyan.. mas OK pa silang makausap.. ARGGGGGGHHHHHHHHHHHH! KAinis.. Minsan may tym kau pra mkpgusap.. pero gugustuhin mu png tumahimik nlng.,.
Sana nakakilala nlng ako ng ibang tao.. bwisit kasi yung KEMAJIK.. doon ko cya nkita.. doon ko cya napansin.. tpos nging kaklase ko pa cya.. bkt ko pa kc cya pinansin.. sna di nlng kme ngkatgpo ng landas.. sna ngaun, ang saya-saya ko.. hndi ko na tinatago nararamdaman ko.. pinagsisisihan kong nakilala ko pa cya..
Sabi ko nga mahirap pla mgpanggap na masAya ka.. lalo na kapag ngpapanggap k lng na mahal mo ang isang tao.. pero masakit din yung magpanggap k na hindi mo mahal ang isang tao.. yung tipong WALA kang pakielam sa kanya.. kahit gs2 mu cyang tulungan at pagalitan na nandito ka pra s knya.. ewan ko b sa buhay ko.. sana dumating na ang aking SOULMATE para nmn hndi nko mahirapan pa.. hndi nko nghahanap p.. hndi nko umaasa pa..

Thursday, June 08, 2006

My Life is a MESS

potek! Ayoko na! Ewan ko ba sa buhay ko.. lagi nalang ako minamalas.. lagi nlng ako
anu ba ang meron sa akin? feel ko may sa demonyo ata ako eh.. nagagalit ako sa kadahilanang alam ko naman na wala akong karapatan..
BABALA: Wala akong pakielam kung anu man isipin nyo sa akin pagkatapos niyo basahin ang entry kong ito.. kung kasuklaman niyo ako.. bahala kayo..
Minahal ko na ang ChemSoc.. minahala ko sya dahil masaya ako dito.. sa una dahil napilitan lang ako.. pero habang tumatagal.. nging mahalaga na siyang bahagi para sa akin.. masaya ako kapag may masayang pangyayari sa chemSoc malungkot ako kapag may masamang nangyayari... nging active ako.. kahit auditor lang ako.. gs2 kong mging mabuti ang chemsoc..
Sa una.. gs2 k lng tumulong.. maraming tao ang ngsasabi ako na raw ang susunod na presidente.. (ngegets nyo n kya kung saan patungo ang usapan?!) pero sa totoo laNG di ako umaasa.. dhl nrn nung elementary nga NUNG ELECTION.. MAY ISA LANG NGNOMINATE SA AKIN... tpos isa lng din ang nakuha kong boto.. KAWAWA db?! Sa totoo lang wala akong tinatawag na CHARISMA sa MGA TAO.. sa totoo nga ang first impression sa akin ng mga tao ay MASUNGIT! Hndi ko naman ginusto na mging ganito itsura ko diba?! wala akong intensyon dhl lam ko naman kung gaano kahirap ang ganoong posisyon.. lalo na lagi kong ksma si Kuya Rebs at nkikita ko kung paano sya nahihirapan..
nkikita ko rin kung paano sila nahihirapan dhl nrn sa walang gs2 tumulong sa kanila.. lalo na yung ACCREDITATION.. sabi ko sa sarili ko.. kung ako lang cguro un.. di mangyayari ang gANON.. kaya din tumakbo ako..
ang masakit lang.. sabi nga sa akin.. ako dpt ung presidente.. dhl isang boto ang lamang ko.. at ako ang highest scorer.. pero di ako umasa.. tpos sabi skn ni kuya rebs.. ako daw panalo.. alam mu yun.. pinaasa ka?! tpos wala din pla.. sana in the first place plng di nko pinaasa.. yun cguro..
marami akong plano.. sa tingin ko nmn ay magaganda.. dpt nga wala akong madarama.. dpt mging msya nlng ako.. pero deep inside masakit.. deep inside naiiyak nko.. masama b ko ng ganun? ewan ko lang..

Friday, June 02, 2006

Masayang Birthday?!

ewan ko.. bukas, June 03, 2006, ay birthday ko na naman.. 20 na ko! Ang TANDA ko na! Grabe.. wala lng.. anu kayang regalo ang makukuha ko?! aba ewan ko nalang... aasa pa ba ako?! Gusto ko sabihin sa kanya.. kahit testi lang.. ok na.. pero di ko masabi.. sus.. sino ba naman ako para gawan niya ng testi.. minsan n nga lang ako mgpapansin.. ang OBVIOUS pa! mas may obvious naman sa akin kung mgpapansin eh.. at least cya.. tanggap.. ako feel ko hinde..
Tapos bukas din ang ELECTION ng CHEMSOC.. isa ako sa mga kandidato. Ok na sa akin ang posisyon na VP for FINANCE.. isa naman akong parte ng FINANCE COMMITTEE dati eh.. ewan ko lang kung pinagsisisihan na ni Kuya judz ang pagpili sa akin bilang AUDITOR niya..bahala na kung anu man ang mangyari.. bsta pinagdasal ko na na kung sino man mapili.. sana mging OK ang CHEMSOC! bahala na.. bsta sisiguraduhin kong mgiging isa sa pinakaMAGALING na org ang CHEMSOC sa buong CHE-CHM.. minsan lang ako mgmahal.. yun lang masasabi ko..
eto.. hanggang ngaun, hndi ko prn alam kung saan ako ppnta.. gs2 kong ipasyal ang sarili ko.. syempre, araw ko naman un eh.. balak kong mgSOUL SEARCHING.. asa pa ko.. eh sa linggo pa naman may exam ako sa STAGE.. buti nga binigyan kame ng +15 sa STAGE EXAM.. kase sa isang section ni Sir Degz, walang pumasa kaya ngbgay ng 15 pts pra may isang pumasa.. kaya lng ngDROP din sya.. SAYANG.. at least PASSING na ang STATUS ng 2 kong EXAM! sabi ko nga.. hndi na ako mgdadrop.. kung bumagsak man o pumasa ako, sisiguraduhin kong may MATUTUTUNAN ako! AJA! BASSYA (yan ang expression ni Lee Dae Hee sa My Girl.. Ok sobra ung My Girl!!)
Mabalik tayo sa birthday ko.. Sana mgpakita na ang aking SOULMATE.. para naman sumaya na ako.. wala man lang ako nging ka-ON .. hehe nakakahiya.. pero dats lyf.. sna mging masaya na ako.. nakakainggit kc mga taong nakapaligid sa akin eh.. SOBRA... may karapatan nmn ako mainggit kht papaano diba?! cge n nga.. paalam!