Saturday, July 09, 2005

Kamusta k nmn? Pasukan n nmn!

Hay naku! pasukan na naman! 1 week lang kasi ang term break dito sa mahal kong Mapua Institute of Technology! Medyo naging makabuluhan naman ang aking "break" dahil na rin natanggap akong Student Assistant!
DELIBERATION NG 4th TERM
Grabe as usual marami na namang mga unexpected happenings na nangyari sa term na ito.. akala ko nga mabababa ang mga grades na nakuha ko lalao na sa statistics at humanities.. pero mababait tlga! hehe pasado naman lahat! Thanks a Lot! yung medyo kinarir kong subject na ChECal2 ay medyo di satisfying ang grade pero at least alam ko namang may natutunan ako dito!
STUDENT ASSISTANT - ENROLLMENT MARSHALL
natanggap akong enrollment marshall! yun ung mga nagbabantay sa enrollment! sila ung mga tumutulong sa mga nahihirapan magayos ng schedule.. grabe tinatawag nga akong "KUYA" ng mga batch 2001 eh batch 2003 lang ako! isa pa ang hirap magbantay lalao na sa mga batch 2004... mga PASAWAY! hindi ko nmn sinasabi na lahat eh PASAWAY! mabait naman ang section chief na in-charge sa amin.. c Ma'am Evelyn... twag ko nga diyan eh c "REGISTRAR JODIE" kasi kamukha niya si jodie sa stairways in heaven hehehe .. isa pa yung kasama kong SA(student assistant) napakatamad.. lagi ksing ngsosolitaire.. ginagantihan ko nmn hehe! higher year na rin kc eh.. pero sa totoo lang ang hirap mgreserve ng section lalao na sa ARCHI (dun kc ako naassign).
SY2005-2006 1st TERM
Naku 3rd yr na ako sa Mapua.. pero 2nd yr pa rin ang nakalagay sa aking CM leche naman hehe! eh di kunwari na lang 3rd yr nako! hehehe ang mga subjects ko this term ay
CHE313 - Chemical Engineering Thermodynamics
CHE373- General Economics, Taxation, and Land Reform
CHM313- Analytical Chemistry 2
BIO113- Biology
HUM023- Humanities 2
Mabibigat na mga subjects noh? hehe major na ksi! sana naman pumasa parin hehe! eto balak ko ring mag-apply na MATLAB assistant this term.. medyo mataas naman ang mga nakuha ko sa MATLAB ko eh.. sana makuha ako! Pagdasal niyo ako ah!

No comments: