Sunday, January 15, 2006

Don't Give Up On Us

Ngayon lang ako nakapagupdate ng so called blog ko.. haaaaaaay ang rami sobrang nangyari sa buhay ko..

Ang mga subjects ko pala ngayong term ay eco 2, phychem3, mechanics, at thermo 2! Halos lahat kailangan ng review from math 1 to math 4 with differential equations! Namimiss ko na tuloy ang mga math subjects at mga turo ni sir portillo, ma’am exconde, at sir macky! Talagang hndi sinali si ate vi o ma’am villaos eh nh! What is BITTERNESS!?! Speaking of BITTERNESS, napakaBITTER ko pa rin!

Epal tlga ang mechanics! Dati ay nagmechanics na ako ngunit ito ay aking idini-DROP dahil na rin kasabay nito ay Organic chemistry 2! Ayun tuloy , kung sino pa ang naging prof ko noon na ayaw ko nang mging prof (itago natin sa pangalang Melchor Pilones! hehehe) leche nakakairita! Destiny ba itoh?! Paulit-ulit ang pinagsasabi! Sabihin ba namang kung hndi kau marunung ng Mechanics ay gumawa nalang ang mga Chemical Engineers ng SABON?! Hello?! Hndi nga ata niya alam ang ibig sabihin ng SAPONIFICATION eh?! Yun ung neutralization of fatty acids with oil! Shocks! May natutunan naman pala ako sa CPI! Hahaha.. pero ang mga nakakasagot lang naman ng mga seatworks ay pawang CHE! Leche! Pagsisisihan niya na inapi niya ang course ko (actually pati Chemistry course ko!)

Masaya naman ako sa PHYCHEM3 dahil puro computations! Tuwing may assignment nga ay sinasagutan ko agad! Parang siya lang ang subject ko! Hehe QUANTUM MECHANICS! Da best! Eto na ang kakaririn kong subject! Patutunayan kong deserving ako sa mga nging grades ko sa PHYCHEM 1 at 2! Kaya lang mamadaliin daw hanggang Feburuary! Kmsta nmn ma’am kats! Kasi naman huwag nalang (anu un?!)! Hehe

Sa thermo2 naman hndi ko msydo maintindihan ung pinagsasabi ni sir allan! Nagmamadali! Anu ba yan! Hndi ko pa naman kasi nababasa ung buk hehe! Salamat pla kay Kuya Judz na nagpahiram sa akin ng P1,400 worth na thermo book ni Koretsky with libre OT pa! Hehehe babasahin ko na talaga siya!

At sa ECO2! Grabe c sir sevilla aka. Sir MIC(microphone)! Kaklase ko dito si da great Harry Potter aka Kuya Rebson. Wala lng.. aasa nalang ako sa kanya! Heheh nakikinig din naman ako kahit papaano! Atska mgkatabi kame sa computer kaya minsan nanggugulo nalang ako sa kanya! Harhar

Siyanga pala ako na pla ang in-charge sa LABGOWN RENTAL ng CHEMSOC! Syempre auditor eh! Hehe susubukan ko na talagang maging OK yung proseso pra di na mgkawala-wala ang mga LAB GOWN! Grabe AKTIBISTA ang dating ko sa CHEMSOC ha! Nakisama pa ako sa meeting ng mga officers! Ako yung nakapagsuggest ng theme sa CHEMISTRY WEEK na nagustuhan naman at inaprubahan.. CHEMISTRY: REALITY and BEYOND! Hehehe siyempre ako nakaisip kaya masaya! Pati nga yung pictorial ng mga officers, imbes na t-shirt lang ay may lab-gown at in ACTION pa! Diba astig?! Napropromote pa ang mga LAB GOWNS! Heehehe

Tapos si ma’am nieva, yung faculty sa GS ay ka-story telling ko na about Lovelyf hehehe wala lang masayahin lng talaga siya.. at mabait.. pero kapag nagalit.. haaaaaaaaayyy nakakatakot! Sayang at every Saturday ko nalang siyang makikita sa GS! Kasi lilipat na siya sa ibang office! Sosyal! Pero mamimiss ko cya ah! Kasi lagi cyang namimigay ng mga pagkain hehe at laging nka-smile!

Ayan may exam pako sa mechanics kaya kailangan ko nang mgaral.. actually matulog muna bago mgaral! Hehehe Godbless nalang sa akin.. AJA! FIGHTING! Ang rami na palang koreano sa Mapua! Grabe! Ngaaral ng ENGLISH! Mgaapply ako hehe .. at sa pagibig na aking hinahanap.. sana dumating na sya.. sa ngayon ang minamahal ko muna ay ang aking sarili at ang chemsoc.. haaaaaaaaayyy oo nga pla hanggang ngaun ay di p dn ako nakakapanuod ng DON’T GIVE UP ON US! Haaay next week nalang!

Ngtext nga ko sa mga tao ng text message, forwarded siya.. galing kay manong Emil (Immediate Past President ng ChemSoc) ! Eto yun…

Mahal Mo ba ko?
Mahal Na Mahal Kasi Kita eh…

D ganun kasimple un d b..

Don’t Give Up On Us
Judy Ann Santos
Piolo Pascual

Showing
Jan. 8, 2006

Isa nga lang ang ngreply eh.. c Kuya Judz (VP for Finance)! Hehe sbi nya di pa nya napapanuod un.. ngreply din naman ako na ako din.. gs2 ko kc mapanuod un eh.. sbi niya yayain namin c ma’am katz at manuod kami ng Last Full Show! Sana matuloy ewan ko lang.. hehe konti lang ata masasama ko dahil nrn ayawnila either kay Piolo or Juday.. story naman diba? Ayun tingnan nalang ntn! Magaaral na ako in advanced! AJA!

No comments: