Nakatulala, lutang ang diwa
Bakit ba ika'y laging naaalala
Kahit alam kong ako sayo'y wala
Napakasakit ng aking dinadala
Puso't isip hindi magkasundo
Bawat minuto nagiging tuliro
Pwede bang tigilan ilusyon na ito
Walang katapusang pagsesentimiyento
Nais kong makawala't makalimot sa mundo
Kahit isang oras man lang o ilang minuto
Nais kong sumigaw ng todong-todo
Pero laging kaagad ay sumusuko
Friday, October 01, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment