Friday, May 11, 2007

OJT Chronicles Part 1

Yehey.. mgtwe-20 hours na akong ngOojt sa PNRI (Philippine Nuclear Research Institute). lagay ko na rin entry ko na ito pra din sa pggwa ko ng Progress Report ko na ipapasa ko kay Sir Onet sa CHE421F..
Day 1 - Orientation
May 03 - Thursday
Pumunta ako ng mga 7:15 am (ang aga nh?!) sa PNRI para i-confirm kung tanggap na ako.. si Ma'am Anggie sa Training ang kausap ko.. tpos sbi nya baka di pa maprocess kasi la daw akong pirma regarding sa "Legal Age" kmsta nmn db?! so nung tinwagan .. OK na pla! hehehe.. di nasayang ang pgpnta ko.. tpos pinapunta ako sa Personnel Dept (prang HR) pra mgorientation kay ma'am Joann.. so ini-stress-out yung mga timecards.. attendance.. at mga policies.. hnintay ko pa nga ung orientation tpos pinahintay ako sa library.. raming buks regarding chemistry.. physics.. nakakalula.. hehehe..
Pinapunta nko sa mgiging boss ko.. si ma'am lorna.. kaso tom nalang dw ako mgstart kc half-day lang ako.. (buti nga natanggap ako kahit napakapanget ng sked ko.. yun nga ung isang dahilan kung bkt di tumatanggap ang ibang companies ng OJT sa Mapua!)


Day 2 - OJT = Working + Learning + 1/2 Fun
May 04 - Friday

Maaga akong pumasok kahit di ako sanay.. di tulad nung student assistant pa ako sa Graduate Studies kung saan panggabi ang shift ko! hehehehe.. ayun ngprepare ako ng mga samples ng hydrogel na may PVP.. PEG.. at kappa-Carrageennan.. tpos meroin palang series of lectures ng mga researches ng PNRI every other friday.. so ang saya kc nagtratrabaho ka n nga.. natututo kapa!

Day 3 - Walang Tawiran Nakamamatay
May 07 - Monday
Tinuloy ko lang ung pgprepare ko ng hydrogel.. dun ko nkita ang mga di ko malimit gamitin sa laboratory classes at natutunan kong gamitin.. ang isheshare ko yung scenario kapag tatawid ka mula sa babaan ng bus patungo sa pnri.. well para kang nakikiapgpatintero kay kamatayan sa rami ng mga kotseng dumadaan sa kalsada.. napagalitan nga ako ng mga MMDA na ngtatawid sa mga tao.. heheheh SOwee... pero kinabahan ako dun ah! hehehe.. kala ko mamamatay na ako..
Day 4 - Henderson- Hasselbach Equation
May 08 - Tuesday
Ngwhole day ako sa PNRI at naicipan kong di pumasok ng Corre.. ayun.. ngprepare lng kme ng buffer at solutions.. grabe.. kasi ba naman ung theoretical principle lng nmn ang alam ko sa biochem.. tlgang d2.. kaw na mismo gagawa... atska sobrang higpit sa pgtitrate kht electronic pipette na gmt mu.. hehehehe
Day 5 - UV-VIS Spectrophotometer
May 09 - Wednesday
eto na.. nung nalaman kong ggmt kme ng uv-vis eh di ang saya ko.. ako ung ngprepare ng standard solutions.. at least ang uv-vis d2.. hndi na kailangang doktorin.. atska grabe tlga ang accuracy ng pgprepare ng solutions..
Day 6 - Field Work
May 10 - Thursday
pumunta kame ng Mandaluyong pra mgpatest ng samples ng tensile strength.. ang saya kasi di lang puro sa loob ng lab db?! heheehhe ayun.. masaya.. cge na..
(to be continued...)

No comments: