Naku nagumpisa na naman ang term sa Mapua Institute of Technology! Kinumpleto ko talaga yung name dahil astig yang skul na yan! Walang kwenta yang MALAYAN na yan! Ngayong term full load na naman ako! 15 units! Kaya kailangang pagbutihin ang pagaaral! Pagnilay-nilayan natin ang aking mga subjects for this term:
*Chemical Engineering Calculations 2*
Obviously eto yung continuation ng CheCal 1! Medyo complicated na kasi reactive processes na!
haayy as if namang nahasa na ako sa CheCal 1! Marami kasing minadaling topics sa CheCal 1 dahil na rin kapos sa panahaon para ituro.. Wala tayong magagawa! Kailangan ko nalang mgadvanced study or review!
Units: 3 units
Expected Grade: between 2.0 and 1.50
Instructor: Engr. Ariziel Ruth Marquez
Ok naman yung bago namin prof! Sa che cal 1 kasi namin medyo magulo magturo si ma'am Espi! Kahit papaano naman ay may naiintindihan ako sa CheCal 1 kaso minsan talaga naguguluhan ako sa kanya! Yung CheCal 2 tungkol naman sa Stoichiometry atska yung mga energy balances sa reactions. Meron na akong konting background because i have just finished my Physical Chemistry. Maraming nagsasabi na mabait si Engr. Marquez atska above average ang pagtuturo niya!
Pre-Term grade (instructor): 1.75
*Humanities 1*
Wow! Grabe humanitites is one of my DLHS subjects this term. Hope na mahatak ng subject na ito ang aking weighted average at hindi ang opposite. Ang nagpapababa sa akin last year ay ang English 1 at English 2 ko! Parehong 2.50! Imagine, plano ko pang mging call center agent niyan ah?! I'll just strive hard lalo na one of my interests ay ang Mythology, either Greek or Roman, love ko clang lahat!
Units: 3 units
Expected Grade: between 2.25 and 1.75
Instructor: Prof. Wilna Bantay
Mabait daw siyang prof. At first, aakalain mung masungit siya! Nakasalamin kasi, atska boyish siya! I don't wanna state na "TIBO" siya dahil prejudice na ang gingawa ko. Unlike any other professors at DLHS (Department of Languages Humanitites and Social Sciences) haba nh?! Magaling siya magturo! Nagiging interested ako sa mga topics i thought i would never like! She sees to it na hindi masasayang ang 1 1/2 hours na lecture niyo!
Pre-Term Grade: 1.50 (taas ah?!)
*Filipino 2*
Actually dapat kinuha ko na itong subject na ito ng 2nd term pa! Eh kaso balak kong kunin ito ngayon para lang maging classmate yung crush kong CoE! Eh talagang ayaw ng tadhana eh! I have to move on ika nga! Filipino, para sa marami minamani lang nila yan. Kaso more on terminologies at objectives ang mangyayari! Gudluk nlng sa akin sa recitation!
Units: 3 units
Expected Grade: 1.75-1.25 (sana 1.25 hehe)
Instructor: Dr. Cynthia Samia
Yung prof namin ay mabait, masasabi ko yun dahil nung pumasok siya sa klase marami agad bumati sa kanya! Siya nga nagsabi sa amin na panghatak ang subject namen whish i assume na mabait siyang magbigay ng grade! Atska medyo boring na nakakaantok pero nasasave naman ng kanyang mga jokes na so so. Wala pa kami sa discussion proper at feel ko mapagbigay itong prof na ito!
Pre-Term Grade: 1.75
*Probability and Statistics w/ Experimental Design*
I think this will be the last mathematics subject to be offered by School of che-chm.. Among others ay yung Differential Equations at Chemical engineering Mathematics. well based from my high school statistics subject, meron akong weakness sa probability lalo na yung mga permutations etc. Hope na ma-overcome ko yun!
Units: 3 units
Expected Grade: 1.75 to 1.25 (sana mataas hehe)
Instructor: Engr. Narciso M. Macaranas
Instructor: Engr. Narciso M. Macaranas
Si sir macky naging prof ko na yanjn noong Differential Equations ko, he has a cute accent! Atska energetic siyang magturo! Para nga siyang sumasayaw eh kaya masarap makinig sa kanya! Also bibbong-bibbo siya atska nakakatawa ang pronunciations nya! like my surname which is PE, he pronounces it as "Pee" pero 1st name ko na ang tinatawag niyan eh kasi ako yung laging inuutusan niy sir macky mgpaxerox ng modules nya!
Pre-term grade: 1.25
*Organic Chemistry 2 Laboratory*
This is one of the reasons na hindi ko pa nakukuha yung Organic chemistry 3 ko. Well this course deals with identification, i mean systematic identification of UNKNOWN organic compounds. madugo siya in a sense that you should be a good observer. haay one thing pa.. mabaho ang mga chemicals dito!
Units: 2 units
Expected Grade: 2.25 to 1.75
Instructor: Prof. Mariliyn Miranda
Prof ko na siya noong organic 1 laboratory. Siya naman lang ata ang nagtuturo noon eh aside from ma'am kaths. well ok naman siya magturo atska mabusisi talaga sa pagcheck ng lab reports.
Pre-Term Grade: 1.75
*Physical Chemistry 1 Laboratory*
Wala pa akong overview sa subject na ito dahil hindi pa pumapasok prof namin dito! hahaha pero marami ang nagsasabi na madali lang ito atska sa tingin ko mga hi-tech instruments ang mga nandiyan!
Units: 1 unit
Expected Grade: 2.25 to 1.75
Instructor: Engr. Edwin Obra
Si sir obra, nging substitute na namin yan sa phychem 1 lecture .. hahaha ang ganda-ganda niya ah! haha siya yung kapartner ni dr. mimi! hehehe sa totoo lang hindi nga cya pumasok ng 1st meeting namen!
Pre-term grade: 2.0! (absent kc eh hehe)
No comments:
Post a Comment